MOA Arena pupunuin ng Gilas fans
MANILA, Philippines — Posibleng mapuno ang venue ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers na idaraos sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kaya naman mas magiging inspirado ang Gilas Pilipinas dahil inaasahang dudumugin ang laban nito kontra sa New Zealand.
Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Erika Dy na halos soldout na ang Philippines-New Zealand game.
Nasa 80-90 percent ang nabenta nang tickets sa naturang laro.
“Ticket sales are doing very well specifically for the New Zealand game, where 80-90 percent have been sold out already,” ani Dy.
Kaya naman asahan na ang mainit na suporta ng Pinoy fans sa home game ng Gilas Pilipinas.
Nanawagan naman si Gilas coach Tim Cone na patuloy na suportahan ang Gilas Pilipinas sa laban nito.
May full-house capacity na 20,000 ang MOA Arena.
- Latest