^

PM Sports

Suns panalo agad sa NBA Cup pool play

Pang-masa
Suns panalo agad sa NBA Cup pool play
Pinilit ni Phoenix Suns guard Devin Booker na makawala kay Utah Jazz forward Cody Williams.

SALT LAKE CITY — Bumira si Devin Booker ng 31 points at may 24 markers si Bradley Beal para gabayan ang Phoenix Suns sa 120-112 pagdaig sa Utah Jazz sa pagsisimula ng NBA Cup pool play.

Nagsalpak sina Booker, Beal at Grayson Allen ng pinagsamang 13 three-pointers para sa Suns (9-2) at kumolekta si Mason Plumlee ng 15 points at 14 rebounds kapalit ni injured center Jusuf Nurkic.

Pinamunuan ni John Collins ang Jazz (2-8) sa kanyang 29 points at 10 rebounds.

Nag-ambag si Kyle Filipowski ng 18 points at may 17 si  Lauri Markkanen .

Naghabol ang Utah mula sa double digits deficit hanggang makalapit sa 83-89 matapos ang dunk ni Filipowski sa 10:18 minuto ng fourth period.

Kumonekta si Beal ng dalawang sunod na basket at ang back-to-back triples nina Royce O’Neale at Booker para ilayo ang Phoenix sa 110-98 sa huling 3:58 minuto.

Sa Boston, ang tip-in ni Onyeka Okongwu sa huling 6.1 segundo ang naglusot sa 117-116 panalo ng Atlanta Hawks (5-7) sa nagdedepensang Celtics (9-3).

Sa Detroit, ipinasok ni Malik Beasley ang isang tiebreaking free throw sa huling 1.1 segundo sa overtime sa 123-121 panalo ng Pistons (5-7) sa Miami Heat (4-6) sa NBA Cup game.

Sa Orlando, kumamada si Franz Wagner ng 32 points para akayin ang Magic (6-6) sa 114-89 paggupo sa Charlotte Hornets (4-7).

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with