David Licauco, mapapalibutan ng mga makasalanan?

Mukhang susubukin ang katatagan ni David Licauco sa upcoming film ng GMA Pictures na Samahan ng mga Makasalanan.
Sa teaser trailer na ipinalabas kamakailan, makikita ang karakter ni David na mapapadpad sa Santo Cristo, kung saan may isang lugar na kung tawagin ay Kalye Makasalanan. Dito, tila nagtipun-tipon ang mga tukso sa buhay ng tao. Kakayanin kaya ito ni Deacon Sam?!
S’yempre pa, excited na ang fans ni David na muli siyang mapanood, at sa isang pelikula pa ulit!
Pinusuan din ng netizens si Sanya Lopez na handang-handa na para sa summer sa kanyang swimsuit scene!
Bukod pa nga raw sa entertainment bilang comedy film ito, ay tiyak na marami pang ibang handog ang pelikula sa bawat manonood, lalo pa’t makakasama rin ang iba pang mahuhusay na artista sa industriya tulad na lang ni Joel Torre kasama pa sina Betong Sumaya, Soliman Cruz, Jun Sabayton, at iba pa.
Ipalalabas ang Samahan ng mga Makasalanan this April 19 sa cinemas nationwide.
- Latest