Espantaho ni Juday, mag-iikot pa sa ibang international filmfest

Dahil sa post ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, siguradong may mga nagpaplano nang makarating sa Porto, Portugal.
Sa Fantasporto International Film Festival nanalo ng Best Actress si Judy Ann kamakailan at bukod sa pagdalo roon para i-represent ang 2024 Metro Manila Film Festival movie nila na Espantaho, itinuloy na nila ang pamamasyal sa nasabing bansa.
Aniya sa nasabing post kalakip ang souvenir photos: “PORTO… you were such a revelation.. napaka charming mo.. sa kabila ng lamig at ulan.. ang ganda mo pa ring libutin.. it made this trip even more special with the closest and dearest people to me.. @tippyf @ralph.mercado @maitabaello @juansarte patsumagui ( missing a few, but there’s always a reason to come back) pumunta kami ng porto ng walang inaasahan.. kundi mairepresinta lang namin ang pelikula at bansa natin.. umuwi akong bitbit ang pinaka mabigat na tropeong natanggap ko buong buhay ko. maraming salamat FANTASPORTO! hinigitan mo ang lahat sa puso ko. alay ko to sa lahat ng bumuo ng pelikulang ESPANTAHO.. para sa inyo to.. @chitorono @direk_chris_martinez @attyjoji @neildaza sa buong cast, crew, staff, editors .. lahat lahat kayo.. para sa jnyo to! And my love @ryan_agoncillo thank you, for making this journey more memorable… i love you forever.”
Bukod sa pagiging bida sa pelikula, co-producer din si Judy Ann sa Espantaho na narinig ko ay mag-iikot pa ito sa maraming international film festival.
- Latest