^

PSN Showbiz

Kyline, dalawang bahay ang pinag-iipunan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyline, dalawang bahay ang pinag-iipunan!
Kyline Alcantara

Isang bagong proyekto ang pinaghahandaan na ngayon ni Kyline Alcantara. Ayon sa aktres ay talagang pinangarap niyang makatrabaho ang bagong mga makakasama sa gagawing drama series. “Isa sa mga tinitingala kong artista sa heneras­yon namin dahil alam ko na marami akong matututunan sa kanya as a person and, of course as an artist,” nakangiting pahayag ni Kyline sa 24 Oras.

Puspusan ang pagtatrabaho ng Kapuso actress upang makapagpundar ng bagong bahay para sa  pamilya. Nangangarap din si Kyline ng isa pang bahay para naman sa sarili. “Dream  house ko para sa aking pamilya para siyempre settled na sila. And then ‘yung dream house ko naman talaga para sa aking sarili in the future po,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, kamakailan ay dumalo si Kyline sa Night of 100 Stars na pinangunahan ni Johnny Manahan. Hanggang ngayon ay maayos umano ang relasyon ng aktres sa tinaguriang Starmaker at Consultant ngayon ng Sparkle GMA Artists Center. “Siyempre si Mr. M naging tatay-tatayan ko rin ‘yan eh. Until today, si Ms. Mariole (Alberto) and Mr. M, they’re still guiding me step by step sa kung anong pwede ko pang gawin sa aking career. So ang sarap sa pakiramdam na may gano’ng relasyon pa rin kami,” pagtatapos ng Kapuso actress.

Ryza, proud sa pagiging kalbo

Nagpakalbo si Ryza Cenon noong isang taon para sa kanyang karakter sa pelikulang Lilim. Mula noon ay nagustuhan na umano ng aktres ang kanyang semi-kalbo look. “Kasi low maintenance siya. No’ng nag-story con (conference) kami and do’n ko po nalaman na lahat po kami kalbo, may isa pong cast na nag-look test po ng bald cap. Nakita ko sa kanya, ino­obserbahan ko po siya kung nakakakilos ba siya nang maayos. Nakita ko po na nahihirapan siyang maglingun-lingon. Sabi ko, hindi yata ako magiging komportable sa gano’n. Kasi malilimitahan po ‘yung acting ko, ‘yung galaw ko, lahat. Ako ang nagkalbo sa sarili ko,” kwento ni Ryza sa YouTube channel ni Karen Davila.

Kahit noong nagbuntis pa lamang mahigit apat na taon na ang nakalilipas ay nagplano na ang aktres na magpakalbo. “Bucket list ko po siya eh. Kasi ‘di ba ‘pag buntis ka, nagpo-fall hair so okay lang makalbo kasi gano’n din, manipis ‘yung part ng buhok mo kasi nga nagpo-falling hair ka. So parang tinake advantage ko na po ‘yun na okay, check na ‘yung bucket list ko plus nakuha ko ‘yung gusto ko para do’n sa role,” paliwanag niya.

Para kay Ryza ay nabago rin niya ang paniniwala ng ilan na kapag kalbo ang isang babae ay posibleng may sakit ito. “Pinakita ko po na hindi ibig sabihing kalbo ka, may sakit ka. talagang nag-set po ako ng pictorial. Natuwa rin po ako kasi ‘yung mga cancer patients sila po nagme-message sa akin. Nagte-thank you sila na parang, ‘Thank you dahil nai-inspire kami sa ‘yo dahil kahit kalbo ka, hindi mo kinahiya.’ Mas lalo ko po siyang pinagmalaki,” paglalahad ng aktres. — Reports from JCC

KYLINE ALCANTARA

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->