^

PSN Showbiz

Kim, ayaw tantanan ng DDS!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, ayaw tantanan ng DDS!
Kim Chiu

Nakakaloka naman ang pagtakip daw sa mukha ni Kim Chiu sa tarpaulin sa isang bakeshop na ineendorso niya sa Davao.

Galit na galit daw kasi ang mga supporter ni dating presidente Rodrigo Duterte dahil pakiramdam nila nagpatama ang It’s Showtime host sa spiel nito ka­makailan lang dahil sa pagsabi raw ng “dasurv.”

Kahit nagpaliwanag na ang aktres ay talagang kinukuyog pa rin siya ng mga ito ha.

Kasalanan daw ito ng content creator na clout chaser na marami raw ang napaniwala.

Naku masyado raw mainit ang ulo ng mga tao ngayon lalo na ang mga tagasuporta ni Digong.

Kaya kung ayaw ma-bash ngayon ng mga artista ay mukhang kailangan muna nilang manahimik.

Well, pampaingay rin ito kay Kim na may ipapalabas na pelikula kasama si Paulo Avelino.

Tingnan natin kung gagana ang pamboboycott diumano ng mga DDS.

‘Kaloka.

PBBM, ‘di nawawala sa focus!

Sobrang exciting ang mga nangyayari sa paligid natin. Very mentally challenging.

At masasabi kong I salute Presidente Bongbong Marcos for being so patient and open-minded sa lahat ng nagaganap.

At kung maiisip mo na pag-upo pa lang ni PBBM problema na agad ang mga sumalubong sa kanya, maaawa ka na talagang hinarap niya itong lahat at never mong nakita na nawalan siya ng focus, o kaya nagpakita ng init ng ulo.

Maganda talaga ang partnership nila ni First Lady Liza Araneta Marcos. Bagay na bagay ang mental capacity nila na harapin ang mga problema.

Kultura na lang talaga nating mga Pilipino na laging merong reklamo. Lahat ng leaders na ilagay mo, sure meron agad sasabihin ang mga netizen, tiyak na meron na agad negative reaction kahit hindi pa nag-uumpisa sa trabaho.

Nakakatawa nga na para tayong mga mang­huhula na hinuhulaan na agad ang resulta.

Basta irespeto natin at sundin kung sino ang inilagay nating leader. Sundin natin kung ano ang gusto niyang gawin. Trust him. Respect.

Salute our President Bongbong Marcos. Siya ang Presidente natin. ‘Kaloka.

KIM CHIU

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->