^

PSN Showbiz

Fans may rambulan...Alden at Kathryn, may tapatan

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Fans may rambulan...Alden at Kathryn, may tapatan
Kathryn Bernardo

May isyu na naman nito ang fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo dahil parehong may event ang dalawa this Sunday. Second day ngayon ng Re-styled: Team Kath’s Closet Clean Out na ginagawa sa Avire Tower, Quezon City.

This Sunday rin ang isang event ni Alden na parang fun run. Wala siyang clue sa kanyang post kung ano ang mangyayari, inisip na lang ng kanyang fans na fun run ito dahil nasa “running era” siya ngayon.

Dahil dito, may mga nag-akusa sa kanya na sinabayan ang event ni Kathryn. Sagot ng fans ni Alden, magkaiba ang event ng dalawa, ‘wag na raw gawan ng isyu at baka sa online word war na naman mauwi.

Totoo naman, mga runner ang makakasama ni Alden sa kanyang event na tinawag niyang “Something Big” na ngayon na rin ang announcement. Ibang-iba sa event ni Kathryn na magbebenta ng pre-loved clothes niya na puwedeng i-restyle.

Mura ang mga damit na ibinenta ni Kathryn, prices start at P50.

Sharon, may bagong raket

May bagong pinagkakaabalahan si Sharon Cuneta at mukhang seryoso siya dahil nag-workshop pa para mas matuto siya nang husto. Ang tinukoy namin ay ang candle making at ngayon pa nga lang, may mga gusto nang bumili sa gagawin niyang candles.

Sabi ni Sharon, “Had a great time and learned so much more from my Candlemaking Workshop with Teacher  Christelle of @kakayanin_ph!!! I highly recommend her if you want to learn candlemaking. She also does Candlema­king parties! Thanks so much again, Teach! It was sooo nice meeting and spending time with you!!!”

In an earlier post, nabanggit ni Sharon na ang laki na ng nagasta niya sa candles. Wala raw siyang pakialam dati kahit magkano ang ibinaba­yad niya sa eroplano sa pagdadala ng whole balikbayan box ng candles. Halos isang tiket ng MNL-LAX ticket ang ibinayad niya. Hindi na raw niya uulitin, lalo na ngayong marunong na siyang gumawa ng candles.

Dalawa na sina Sharon at Carla Abellana sa mga celebrity na gumagawa ng candle. Si Carla nga, nagbebenta na at tuwang-tuwa nang may mag-order sa kanya ng 100 pieces for a company event.

Mavy, babu na sa bahay ni Kuya

Mahilig pala talagang magpahalik ng kanyang kilikili si Ashley Ortega sa boyfriend na si Mavy Legaspi. Bago lumabas sa Bahay ni Kuya ni Mavy, hinalikan muna nito ang kilikili ng girlfriend.

But at this time, si Mavy na mismo ang humalik sa kilikili ng nobya at hindi pinahalikan ni Ashley. Hindi na rin nito itinaas ang braso to expose her underarm dahil dati nang nakataas ang braso niya nang tumabi sa kanya ang boyfriend.

Kaya lang, wala na sa Bahay ni Kuya si Mavy, wala nang hahalik sa kilikili niya. Nalungkot si Ashley na hindi na niya kasama ang BF at matagal-tagal din silang magkikita.

KATHRYN BERNARDO

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->