^

Punto Mo

Kalamidad, gutom, sakit at giyera: ganti sa ­kasakiman ng sanlibutan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKABABAHALA na ang paglaganap ng kalamidad, giyera at mga karamdamang walang lunas saan mang dako ng mundo na dinaranas na rin ng ating bansa. Patunay na dulot ito ng katampalasanan sa kalikasan at kasakiman.

Ang United States, Canada, France, Germany, Italy, Japan at United Kingdom ay nababahala dahil sa namumuong tensiyon na dulot ng pananalbahe ng China sa Pilipinas, Taiwan at Vietnam.

Ang West Philippine Sea na daluyan ng negosyo at pakikipagkalakalan ng Southeast Asian countries sa ibang bansa ay ginigipit ng China bunga ng hindi nito pagtanggap sa naging desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea na ito ay sakop ng Pilipinas.

Sa sobrang laki ng populasyon ng China, napipilitan na ang mga mamamayan nito na ­mangibang bansa. Nagiging mapanakop at mapanlikha ng mga gulay at karne na ang sangkap ay mga makapaminsalang kemikal upang mapabilis ang pag-ani nito.

Importer tayo ng karneng manok, baboy at gulay mula sa China. Ingat lang!

Sa China nagmula ang COVID-19 at ngayon ay meron namang Norovirus na nagdudulot nang malalang sakit sa tiyan.

May bagong uri rin ng sipon at ubo na nauuwi sa white lung pneumonia na maaring dulot ng polusyong nagmula sa kemikal na sangkap sa weapons of mass destructions.

Ipanalangin nating hindi maging pesteng tulad ng COVID ang dalawang sakit na ito.

Katatapos lamang ng tensiyon sa Syria at patuloy pa rin ang girian ng Israel, Lebanon at Iran. Patuloy pa rin ang giyera ng Russia at Ukraine at nalalagay naman sa panganib ang Pilipinas sakaling matuloy ang giyera sa pagitan ng China at Taiwan.

Ang magulong pulitika sa ating bansa ay impluwensiyang hatid ng kasakiman sa kapangyarihan at kawalan ng konsensiya sa pagtataguyod nang mapayapang pamumuhay. Minana natin ito sa mga nanakop sa atin. Magbago na tayo!

DISASTER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with