^

Probinsiya

Bus salpok sa trike: 3 patay, 3 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, isabela, Philippines — Tatlong katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos masalpok ng isang bus ang isang traysikel sa bahagi ng Barangay Napaccu Pequeno sa bayan ng Reina Mercedes sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Felina Naca, Carol Cadiz, at Josie Viernes habang ang mga sugatan naman ay sina Lilia Aoanan, Felicidad Sales, at ang driver na si Marvin Aquino pawang mga residente ng Barangay Centro 2, Luna, Isabela.

Sa ulat ng pulisya, nasa parehong direksyon umano ang bus na minamaneho ni Julius Camua, 29, ng Barangay San Jose, Gonzaga, Cagayan at ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima nang biglang pumasok umano sa fast lane ang tricycle mula sa outer lane na naging sanhi para masalpok ng bus.

Agad naman na isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit binawian ng buhay ang tatlo sa kanila.

Sumuko sa mga otoridad ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homi­cide, multiple physical injuries at damaged to properties. 

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with