^

Probinsiya

P14 milyong shabu nakumpiska ng PDEA-9

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 ang P14.8 million na halaga ng shabu sa tatlong hiwalay na entrapment operations mula hapon ng Martes hanggang madaling ng Miyerkules sa mga probinsya ng Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ni Region 9 PDEA Director Maharani Gadaoni Tosoc, unang nalambat nitong Martes ng hapon ang karpinterong si Norwin Nombre Gimang sa Purok 2 sa Barangay Guitran, Dumingag, Zamboanga del Sur kung saan nabilhan siya ng P476,000 na hala­ga ng shabu ng mga hindi unipormadong operatiba.

Isang hinihinalang drug dealer naman na si Kausar Arabi Tapsi, 54-anyos, ang dinakip at nakaditene na matapos mabilhan ng isang kilong shabu, na nagkakahalaga ng P6.8 million, sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion sa Ipil, Zamboanga Sibugay nitong gabi ng Martes.

Dalawa pang matagal nang minamanmanan na sina Ibnorasa Hasim Sarapudin, 24-anyos, at 21-anyos na si Raden Ladhud Dammang, ang naaresto matapos magbenta umano ng P6.8 million na halaga ng shabu sa mga PDEA-9 agents sa sa Barangay Poblacion sa Ipil madaling araw nitong Miyerkules.

Ayon kay Tosoc, nasa kustodiya na ng PDEA-9 sina Gimang, Tapsi, Sarapudin at Dammang, na pawang nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with