^

Probinsiya

2 sugatang pulis sa Lipa shootout, ginawaran ng medalya ni General Marbil

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binisita ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil ang dalawang sugatang pulis ng Regional Intelligence Division (RID) ng Police Regional Office (PRO) 4A sa isinagawang warrant operation na nauwi sa shootout sa Batangas.

Sina Police Executive Master Sgt. (PEMS) Reynaldo Red at Police Staff Sgt (PSSg) Francis Olave ay kasaluku­yang nasa N.L. Villa Hospital sa Lipa City ay  personal na kinumusta ni Marbil kasama ang iba pang opisyal ng PNP.

Kapwa nasugatan ang dalawang pulis sa kanilang pagtatangkang magsilbi ng warrant of arrest sa Sitio Kambingan, Barangay Bulsa, San Juan, Batangas.

Dito’y unang pinaputukan ng suspek na si Alberto Pineda Malapitan ang mga pulis na humantong sa engkuwentro at nagresulta sa pagkasugat ng mga pulis at pagkasawi ng suspek.

Si PEMS Red, ay tinamaan sa bibig at nananatili at Intensive Care Unit ng opsital habang si PSSg Olave ay tinamaan sa kaliwang hita.

Ang dalawang pulis ay ginawaran ng Gen. Marbil ng Medalya ng Sugatang Magiting at inabutan ng tulong pinansyal kasama ang kontribusyon ng Public Safety Mutual Benefit Fund, Inc. (PSMBFI) at mga tauhan ng Police Regional Office 4A.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with