^

Probinsiya

‘Hired killer’ tumba, 2 parak sugatan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
�Hired killer� tumba, 2 parak sugatan
Kinilala ng pulisya ang napatay na akusado na si alyas “Ambet”, mi­yembro ng gun-for-hire ring na sangkot din sa gunrunning activities hindi lamang sa Calabarzon kundi maging sa buong bansa.
STAR/ File

Raid nauwi sa barilan sa Batangas

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Pinagbabaril ang isang hinihinalang contract killer habang dalawa sa arresting team ng pulisya ang sugatan sa pagpapatupad ng arrest warrant na nauwi sa putukan sa Barangay Bulsa, San Juan, Batangas, noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na akusado na si alyas “Ambet”, mi­yembro ng gun-for-hire ring na sangkot din sa gunrunning activities hindi lamang sa Calabarzon kundi maging sa buong bansa.

Napatay si Ambet sa lugar habang dalawang pulis- isang Staff Sergeant at Executive Master Officer, ang nasugatan at isinugod sa pinakamalapit na ospital. Parehong nasa stable na kondisyon ang dalawa.

Sa ulat, ang arresting team ay armado ng dalawang arrest warrant para sa paglabag sa RA 8294 at RA 9516 na inisyu ni Judge Marie Manalang-Austria, na may petsang Jan. 26. 2023 nang isilbi nila ang ito laban sa akusado.

Sa halip na sumuko, bigla umanong pinaputukan ng suspek ang mga operatiba, na nagdulot ng 10 minutong engkuwentro na ikinabulagta ng una at ikinasugat ng dalawang pulis.

vuukle comment

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with