^

Probinsiya

Mag-asawa pinatay sa palo, itinapon sa bundok!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa pinatay sa palo, itinapon sa bundok!
Kinilala lamang ng pulisya ang mga biktima na sina alyas “Edgardo”, 20, construction at piggery worker at misis niyang si alyas “Kathleen”, kapwa residente ng Barangay San Rafael, Sto. Tomas, Batangas.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang batang mag-asawa ang natagpuang patay sa bulubundukin ng Sitio Capos, Barangay San Rafael sa Sto. Tomas City, Batangas noong Lunes ng umaga.

Kinilala lamang ng pulisya ang mga biktima na sina alyas “Edgardo”, 20, construction at piggery worker at misis niyang si alyas “Kathleen”, kapwa residente ng Barangay San Rafael, Sto. Tomas, Batangas.

Ang bangkay ng mag-asawa ay natuklasan ng saksing si Rustom Morano, dakong alas-9:20 ng umaga sa nasabing lugar.

Sinabi ni Lt. Col. Jun Lunar, hepe ng pulisya ng lungsod, ang mga biktima ay pinatay ng isa sa dalawang suspek gamit ang isang matigas na bagay.

Lumalabas na pinagpapalo sa kanilang ulo ang mga biktima saka itinapon ng mga suspek ang kanilang mga bangkay sa bulubunduking bahagi ng sitio upang iligaw ang imbestigasyon at itago ang krimen.

Idinagdag ni Lunar na ang isa sa umatake sa mag-asawa na kinilala lamang sa alias “Jano”, 30, construction at piggery worker, ay naaresto sa hot pursuit operation sa bahay ng kanyang katrabaho sa Barangay San Antonio, noong Lunes ng gabi.

Ang kasabwat ni Jano na kinilalang si alyas “Toto” ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

“Nasa loob na ng bahay ang suspek (Jano) nang dumating si Edgardo (biktima), pagkatapos, agad na hinampas ng suspek na armado ng matigas na bagay ang likod ng ulo ng biktima habang si Kathleen na nakitang nakahandusay ang kanyang kinakasama ay sinubukan nitong tulungan, gayunpaman , pinalo rin siya sa ulo ng suspek, pareho silang nasawi ,” ani Lunar.

Aniya, ang mga bangkay ng mga biktima ay binalot ng malaking nylon cover ng suspek at ng kanyang kasabwat saka itinapon sa bulubunduking lugar.

Sinabi ni Lunar sa telepono, na may kinalaman sa trabaho o selos ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with