^

Probinsiya

Cell shop niransak: 2 suspek semplang sa motor, timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Cell shop niransak: 2 suspek semplang sa motor, timbog
Sa ulat ng pulisya, alas-3 ng madaling araw nang makatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen na nakakita sa ginawang pag-ransak ng mga suspek sa MAC H Mobile and Accessories shop sa naturang lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Arestado ang dalawa sa anim na suspek na dumayo pa sa Cavite para magnakaw makaraang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sanhi ng pagmamadali sa pagtakas makaraang maaktuhan ng mga pulis habang ibinababa na nila ang rollup door ng isang cellphone shop na kanilang nilooban, kahapon ng madaling araw sa Naic, dito.

Sa ulat ng pulisya, alas-3 ng madaling araw nang makatanggap sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen na nakakita sa ginawang pag-ransak ng mga suspek sa MAC H Mobile and Accessories shop sa naturang lugar.

Agad na rumes­ponde ang pulisya at pagdating sa lugar ay naabutan pa nila ang dalawa sa mga suspek na ibinababa na ang rollup door ng nasabing shop habang ang apat pang suspek ay nakasakay na sa dalawang motorsiklo -- isang itim na Honda Click at itim na Yamaha Aerox.

Nang makita nila ang mga pulis, agad na nagsipagharurot patakas ang mga suspek habang ang dalawa suspek ay mabilis na sumakay ng dalang Yamaha NMax na may plate number 792 CAP at humarurot din patakas subalit dahil sa taranta at pagmamadali ay sumemplang dahilan upang maaresto.

Tinukoy ng pulisya ang mga naarestong dayong suspek sa mga alyas na “Satar”, 23 anyos at “Allan”, 43 anyos; kapwa residente ng G. Cruz Baclaran, Parañaque City.

Tinutugis na ng pulisya ang apat na kasamahan ng mga naarestong kawatan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with