^

Probinsiya

P340K sigarilyo mula Indonesia nasabat sa Zamboanga Sibugay

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P340K sigarilyo mula Indonesia nasabat sa Zamboanga Sibugay
Sa ulat ng Imelda Municipal Police Station at ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office, sa tulong ng mga impormante natagpuan ng kanilang magkasanib na mga ope­ratiba ang 20 kahon ng mga siga­rilyong Canon, Astro at Berlin na mula sa Indonesia sa isang bakanteng lote sa Purok Bougainvillea sa Barangay Lower Baluran.
Philstar.com / File Photo

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng pulisya ang P340,000 na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia sa isang anti-smuggling operation sa Barangay Lower Baluran sa bayan ng Imelda sa Zamboanga Sibugay nitong mada­ling araw ng Biyernes, April 26, 2024. 

Sa ulat ng Imelda Municipal Police Station at ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office, sa tulong ng mga impormante natagpuan ng kanilang magkasanib na mga ope­ratiba ang 20 kahon ng mga siga­rilyong Canon, Astro at Berlin na mula sa Indonesia sa isang bakanteng lote sa Purok Bougainvillea sa Barangay Lower Baluran.

Nakatakda na sa­nang ihahatid ng mga hini­hinalang smugglers ang naturang mga imported na sigarilyo sa kanilang mga contacts sa bayan ng Imelda nang masabat ng awtoridad.

Mabilis na nakatakas ang dalawang lalaking nagbabantay ng naturang kontrabando, habang naghihintay ng sasakyang kanilang gagamitin sana sa paghatid nito sa mga bibili sa ilang mga lugar sa bayan ng Imelda.

Nakatakda ng ipakustodiya ng Zamboanga Sibugay PPO ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Bureau of Customs.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with