^

Probinsiya

P500 umento sa sahod ng kasambahay sa Central Visayas, umpisa na sa Mayo 11

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P500 umento sa sahod ng kasambahay sa Central Visayas, umpisa na sa Mayo 11
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang naturang Wage Order No. ROVII-DW-04 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region VII noong Abril 18, 2024, ay nagtataas sa monthly minimum wage ng mga kasambahay sa Central Visayas Region ng P500 sa lahat ng area.
AFP / File

MANILA, Philippines — Magiging epektibo na simula bukas, Mayo 11, ang umento sa sahod na inaprubahan ng wage board para sa mga kasambahay sa Central Visayas.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang naturang Wage Order No. ROVII-DW-04 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region VII noong Abril 18, 2024, ay nagtataas sa monthly minimum wage ng mga kasambahay sa Central Visayas Region ng P500 sa lahat ng area.

Dahil dito, ang monthly wage rate para sa chartered cities at first-class municipalities sa rehiyon ay magi­ging P6,000 na mula sa dating P5,500 habang P5,000 naman para sa iba pang munisipalidad, mula sa dating P4,500.

Nabatid na alinsunod sa mga umiiral na batas at procedures, ang naturang wage order ay naisumite na sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa rebyu at kinatigan naman noong Abril 22, 2024.

Nailathala naman ang kautusan noong Abril 25 kaya’t inaasahang matapos ang 15-araw mula sa publikasyon nito, o hanggang sa Mayo 11, ay magiging epektibo na ito.  

vuukle comment

WAGE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with