^

Probinsiya

COP na naka-spot promotion, inilipat 

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilipat ng puwesto si Police Major Luis De Luna, Jr., ang hepe ng Alitagtag Police sa Batangas na nabigyan ng “spot promotion” matapos na masabat ang may P9.6 bilyong halaga ng shabu sa checkpoint noong nakaraang buwan.

Ngunit agad na nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi sinibak si De Luna kundi inilipat lang sa ibang puwesto para na rin sa kanyang seguridad.

Sinabi ni Marbil na hindi biro ang nasamsam na shabu ni De Luna at kanyang mga tauhan noong Abril 15 na inidikasyon na malaking sindikato ang kayang nasagasaan sa ope­rasyon.

Hindi naman tinukoy ni Marbil kung saan inilipat ng puwesto si De Luna.

Nauna rito, sinibak sa puwesto ang hepe ng Batangas Police na si Lt. Col. Reynaldo Domelod bunsod naman ng bigong operas­yon sa Canadian national na konektado sa ilegal na droga na nakuha sa Ali­tagtag, Batangas.

vuukle comment

PROMOTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with