^

Probinsiya

3-buwang sanggol dedo sa bus, magulang at kapatid sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matinding pinsala sa ulo ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng isang 3-buwang sanggol habang sugatan ang mga magulang at kapatid nito nang banggain ng pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang e-trike nitong Miyerkules, sa bayan ng Laguindingan sa Misamis Oriental.

Namatay sa pinangyarihan ng krimen ang sanggol habang inoobserbahan sa ospital ang mga magulang at 9-anyos na kapatid, na pawang hindi pinangalanan at taga-Zone 2 Mauswagon, Laguindingan.

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang driver ng bus na si Frederick Manlangit, 41.                                                   

Ayon kay PCpl. Henry Afbal, imbestigador ng Laguindingan Municipal Police Station, pauwi na sana ang nasabing pamilya nang pagdating sa terminal ay bigla na lamang silang sinalpok ng bus.

Sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang e-trike at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang sanggol na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

 Nangako naman ang may-ari ng bus na sasagutin ang gastusin ng mga biktima.

 Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, reckless imprudence resulting to multiple physical at damage to property ang driver ng bus.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with