^

Probinsiya

Killer ng call center agent, patuloy na pinaghahanap

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Killer ng call center agent, patuloy na pinaghahanap
Sa paglilinaw ng pulisya, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtugis sa suspek na kinilala sa alyas na Asyong.
STAR/ File

CAVITE , Philippines —- Nilinaw ng Cavite Police na hindi pa nila naaresto ang suspek sa pagpatay sa isang dalagang Call Center Agent na pinagsasaksak nang manlaban ito sa tangkang panggagahasa sa biktima kamakalawa.

Sa paglilinaw ng pulisya, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtugis sa suspek na kinilala sa alyas na Asyong.

Ayon sa ulat, idineklarang dead-on-ararival sa pagamutan ang isang 33-anyos na biktima matapos ataduhin ng saksak ng isang construction worker nang manlaban ito sa tangka umano nitong panghahalay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Kaytambog Indang, Cavite, ka­makalawa ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Mary Anne Ereso, dalaga, call center agent at residente ng nasabing lugar.

Isinailalim na sa dragnet operation ng pulisya ang suspek na kinilala sa pangalang Romnick Carbel, alyas Asyong, nasa hustong gulang, construction worker, tubong Samar, Leyte at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay.

Sa salaysay ng pinsan ng biktima sa pulisya na si Adrian Campos, alas-2:00 ng madaling araw ng Miyerkules nang umuwi siya ng bahay mula sa trabaho at bumulaga sa kanya ang duguang biktima na nakahandusay sa loob ng bahay at nakatarak pa sa likod nito ang patalim na ginamit ng suspek.

Dinala ang biktima ng mga kapitbahay sa opsital sa Trece Matires City, subalit idineklarang dead on arrival.

Lumalabas sa imbestigasyon na matagal na umanong may pagtingin ang suspek sa biktima simula ng siya ay tumira dito kasama ang ka-live in na katulong ng pamilya Ereso. Nang umuwi ng lalawigan ang ka-live in ng suspek ay umalis na rin ito sa bahay ng biktima pero nangupahan ito malapit  sa bahay ng una kaya’t alam nito ang oras ng pag-uwi mula sa trabaho.

Pinasok ng suspek ang biktima at dito ay tinangkang halayin, su­balit nanlaban kaya’t inatado ng saksak at naiwang nakatarak ang patalim sa likod.

Sa pagmamadali ng suspek ay naiwan nito ang gamit na motorsiklo na siyang dahilan ng pagkakakilala dito ng pulisya.

KILLER

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with