^

Probinsiya

BARMM may bagong regional health minister

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Itinalaga nitong Lunes ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang isa sa 80 miyembro ng regional parliament bilang health minister ng rehiyon, kapalit ng isa ring manggagamot na naging tagapamahala na ng isang ospital sa Buluan, Maguindanao del Sur.

Ibinalita nitong Huwebes sa mga himpilan ng radyo sa Central Mindanao at sa iba’t ibang probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang paghirang ni Ebrahim sa physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr. bilang bagong regional health minister, na karagdagang tungkulin maliban pa sa kanyang pagi­ging kasapi ng BARMM parliament.

Pinalitan ni Sinolin­ding, kilala sa buong BARMM bilang “doktor sa parliamento,” ang manggagamot na si Rizaldy Piang, na na-appoint din na chief ng Buluan District Hospital sa bayan ng Buluan, kabisera ng probinsya ng Maguindanao del Sur.  

Si Sinolinding ay nakapagsilbi na bilang regional secretary ng Department of Health ng dating Autonomous Region in Muslim Min­danao na ngayo’y BARMM sa pamamagitan ng isang plebisito noong 2019 batay sa kasunduang pangkapayapaan ng Malacañang at ng Moro Islamic Liberation Front.

Aabot na ng 3,267 na mahihirap na Muslim, mga Kristiyano at mga katutubong etniko mula sa iba’t ibang panig ng BARMM na may mga problema sa mata ang nagamot ng libre sa pamamagitan ng regular na medical outreach missions ng tanggapan ni Sinolin­ding mula nang siya ay na-appoint na kasapi ng Bangsamoro parliament ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong ­Agosto 2022.

vuukle comment

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with