^

Probinsiya

P738.6 milyong napinsala sa imprastraktura sa landslide, flash floods sa Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P738.6 milyong napinsala sa imprastraktura sa landslide, flash floods sa Mindanao
In this handout photo from the Eastern Mindanao Command, Armed Forces of the Philippines (AFP) taken on February 7, 2024 and received on February 8, 2024, shows responders conduct search and rescue operations in Maco, Davao de Oro.
Handout / Armed Forces of the Philippines' Eastern Mindanao Command

MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang P738.6 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa matitinding mga pagbaha at landslides dulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong linggo.

Sa ulat ng NDRRMC, ang CARAGA Region ang pinakamatinding nagtamo ng pinsala na nasa P473 milyong halaga matapos mapinsala ang nasa 32 mga pasilidad ng mga imprastraktura.

Pumangalawa naman ang Davao Region na nakapagtala ng P265.6 milyon sa nasirang 134 mga naapektuhang imprastraktura.

Nasa kabuuan namang 1,344 kabahayan ang nagtamo rin ng pinsala sa bahagi ng Northern Min­danao sa Davao Region at CARAGA mula Enero 28 hanggang Pebrero 3 dahilan sa Amihan  at mula sa Low Pressure Area (LPA) na nagdulot ng mga  malalakas na pag-ulang nararanasan ng mga residente sa lugar. Ang LPA ay nalusaw na ayon sa weather bureau.

Sa mga kabahayan, nasa 558  dito ang tuluyang nawasak habang 768 naman ang nagtamo ng pinsala.

Naitala naman sa anim na mga kalsada, 16 mga tulay sa natu­rang mga rehiyon ang hindi pa rin madaanan ng mga behikulo.

Nakaapekto ang flashflood at landslide na umaabot sa may 415,494 pamilya o1,389,073 indibiduwal sa nasa 818 barangay sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, CARAGA at Bangsamoro Region.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa NDRRMC, nanatili pa sa mga evacuation centers ang nasa 50,000 katao habang mahigit naman sa 300,000 katao ang nanuluyan sa kanilang mga kapamilya at mga kaibigan.

Sa landslides sa Maco, Davao de Oro, umaabot na sa 37 katao ang bilang ng mga nasawi  habang mahigit naman sa 70 katao ang nawawala sa naganap na delubyo noong Martes ng gabi.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with