^

Probinsiya

Rider sumemplang sa motorsiklo, tepok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider sumemplang sa motorsiklo, tepok
Naisugod pa sa Rizal Provincial Hospital System ang biktimang si Dan Mark Anglo,29,negosyante, at residente ng Sitio Bagong Pag-asa, Brgy.Sta. Ana, sa Taytay, ngunit idineklara na ring dead on arrival ng mga doktor.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi nang sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo nang mawalan ng kontrol habang binabaybay ang basa at madulas na kalsada sa Taytay, Rizal,kamakalawa.

Naisugod pa sa Rizal Provincial Hospital System ang biktimang si Dan Mark Anglo,29,negosyante, at residente ng Sitio Bagong Pag-asa, Brgy.Sta. Ana, sa Taytay, ngunit idineklara na ring dead on arrival ng mga doktor.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station,alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa East Bank Road, Sitio Lambak, sa Brgy. San Juan, sa Taytay.

Kasalukuyan umanong minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang naturang lugar nang bigla siyang mawalan ng kontrol sa behikulo bunsod ng basa at madulas na daan.

Dahil dito, sumemplang ang biktima at nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with