^

Probinsiya

4 bangkay lumutang sa paghupa ng baha sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
4 bangkay lumutang sa paghupa ng baha sa Bulacan
Sa San Jose del Monte City, matigas na ang bangkay nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang 28-anyos na lalaki na umano’y nalunod sa ilog ng siyudad. Siya ay kinilalang si Roy Xavier Irtuladumas, residente ng Brgy. Minuyan Proper.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —  Matapos na humupa ang baha dulot ng walang puknat na pag-ulan dahil sa bagyong Carina at habagat, apat na bangkay ang magkakasunod na lumutang kabilang ang isang barangay kagawad na tumulong sa paglilikas sa mga residente sa lalawigang ito.

Sa San Jose del Monte City, matigas na ang bangkay nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang 28-anyos na lalaki na umano’y nalunod sa ilog ng siyudad. Siya ay kinilalang si Roy Xavier Irtuladumas, residente ng Brgy. Minuyan Proper.

Sa report ng SJDM Police, natagpuan ng ilang tambay ang palutang-lutang na bangkay ni Irtuladumas bandang alas-9:30 ng umaga nitong Hulyo 25 sa Linawan River na sakop ng Sitio Linawan, Brgy. Dulong Bayan.

Pinaniniwalaang aksidenteng nahulog ang biktima hanggang tuluyang anurin ng rumaragasang agos at lamunin ng ilog na kanyang ikinamatay.

Habang sinusulat ito, iniulat din ng pulisya na tatlo pang bangkay ang nadiskubre na biktima rin ng bagyong Carina bandang alas-6:00 ng umaga nitong Hulyo 26.

Nakilala ang mga bangkay na sina Norberto Alfonso ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Conrado Del Rosario ng Brgy. Abangan Sur, Marilao at Jenalyn Leoncio ng Brgy.Tuktukan, Guiguinto.

Sinasabing si Del Rosario ay elected Brgy. kagawad sa kanilang lugar na tumulong sa paglikas ng mga kababaryo niya bandang alas-2:00 ng hapon nitong Hulyo 25 sa kasagsagan ng bagyo. Posibleng nagtangka pang sagipin nito ang iba pang residente pero siya naman ang nalunod at kalaunan ay nakitang palutang-lutang sa baha.

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with