^

Probinsiya

Lalaki bumili lang ng sigarilyo, tepok sa lunod

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadiskubreng wala nang buhay ang isang lalaki na umalis ng bahay para bumili ng sigarilyo, sa kasagsagan ng ulan at pagbahang dulot ng Habagat at ng bagyong Carina, sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal, Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Kennedy Cave, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Isidro, Cainta.

Sa ulat ng Police Community Police 1 ng Cainta Police Station, dakong alas-3:30 ng madaling araw ng Hulyo 24, nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Ruby St., Francesca Homes, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Sa impormasyong ibi­nigay sa mga awtoridad, umalis ang biktima ng kanilang bahay para bumili lang ng sigarilyo sa tindahan sa kabila na baha sa lugar at napalakas ng buhos ng ulan.

Nang humuhupa na ang baha ng mada­ling araw ng Huwebes, namataan ng isang tricycle driver ang wala nang buhay na biktima kaya ipinagbigay-alam sa mga kaanak.

vuukle comment

HABAGAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with