^

Probinsiya

Chinese pinasabog ang ulo ng sakay ng van

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Chinese pinasabog ang ulo ng sakay ng van
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si David Quina ­Jiang, alias “Jiang Wei”, 46-anyos at residente ng Velvet View Subdvision, Kaybagal South, Tagaytay City.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAVITE, Philippines —  Patay ang isang Chinese national makaraang barilin sa ulo ng ‘di nakilalang suspek na sakay ng isang van na humarang sa biktima habang nagmamaneho ng kanyang kotse at buma­bagtas sa kahabaan ng CM Selos Reyes Avenue, Brgy. Javalera, General Trias City, dito sa lalawigan.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si David Quina ­Jiang, alias “Jiang Wei”, 46-anyos at residente ng Velvet View Subdvision, Kaybagal South, Tagaytay City.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:14 ng hapon nang maganap ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kaniyang Mazda 3 na may plate number NED986 at bumabagtas sa nasabing lugar patu­ngong Brgy.  Biclatan.

Sinabayan ito ng isang Toyota Hi-ace van na may plate number NGP2325 at hinarang ang kotse ng biktima saka agad siyang binaril sa ulo.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang ‘di kilalang suspek at iniwan ng ang dalang van sa lugar ng insidente.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with