^

Probinsiya

Bataan isinailalim sa state of calamity

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines — Isinailalim na ang buong lalawigan ng Bataan sa state of clamity nitong Miyerkules dahil sa pinsala na inabot dulot matinding pagbaha mula sa walang puknat na pag-ulan na dala ng bagyong Carina at habagat ng nagdaang apat na araw.

Inaprubahan ni Gov. Jose Enrique Garcia III ang Resolution No. 305 ng Sangguniang Panlalawigan na nagdedeklara ng State of Calamity sa may 11 bayan at lungsod ng Bataan.

“Dahil ito sa mga ulat ng pagbaha sa 10 munisipalidad/siyudad sa Bataan kung saan nasa 1,450 pamilya o 5,428 indibidwal ang ating inilikas mula sa kanilang mga tahanan at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers,” pahayag ni Garcia.

Sinabi ng gobernador na nasa 190,629 pamilya o 669,514 indibiduwal ang naapektuhan ng pagbaha na nag-iwan ng pagkasira ng mga aria-arian.

“Sa kasalukuyan, tinatayang nasa P35,730,413 na ang halaga ng pinsalang naidulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa buong Bataan na sumira sa mga pananim at maging sa fisheries,” ani Garcia.

“Sa bisa ng naturang Resolution ay mas mapabibilis ang rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar at ari-arian at maging ang pagbibigay ng serbisyo-publiko sa lahat ng apektado. Ipanalangin po natin ang kaligtasan ng bawat pamilyang Bataeño sa gitna ng kalamidad na ating dinaranas. Gabayan nawa tayo ng ating Pangi­noon,” dagdag pa ng gober­nador.

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with