^

Probinsiya

Babae sa Laguna na-holdap sa gitna ng online 'live selling'

Philstar.com
Babae sa Laguna na-holdap sa gitna ng online 'live selling'
Kuha sa 52-anyos na si Agnes Serafica habang hino-holdap ng isang lalaking naka-helmet sa loob ng bahay nitong ika- 4 ng Setyembre, 2023
Video grab mula sa A&A Clothing Apparel Facebook page

MANILA, Philippines — Isang babae sa probinsya ng Laguna ang hinoldap sa kanyang bahay habang naka-live stream ang kanyang pagbebenta nitong nakaraang linggo sa Laguna.

Sinasabing 1 p.m. noong nakaraang Lunes nang biglang maholdap ng isang lalaking nakasuot ng helmet ang 52-anyos na si Agnes Serafica habang nasa gitna ng kanyang live selling sa kanilang inuupahang bahay sa Sta. Rosa, Laguna.

Makikita sa video ni Serafica na bigla na lamang pumasok ang lalaki at itinaob ang cellphone ng biktima na ginagamit sa live selling at saka siya tinutukan ng baril.

"Nakita ko po na may baril siya, so kaya po dumapa na kami,” sabi ni Serafica sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog.

“Hinihingi po niya ‘yung pera sa’min which is wala naman po talaga kaming pera. Hanggang sa ang kinukuha na lang nilang pilit is ‘yung alahas ko.”

 

 

Ayon sa mga ulat, may isa ring kasabwat na nagbabantay sa pinto ng bahay at mabilis na tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo matapos matangay ang pitong alahas at ang cellphone na ginamit sa live selling.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng lahat ng mga natangay sa biktima.

Sumuko na sa mga awtoridad ang mga suspek at napagalamang kapitbahay lamang ng mga biktima ang isa sa kanila base sa imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay Police Lt. Col. Dwight Fonte, Jr., hepe ng Sta. Rosa City Police Station, madalas daw kakwentuhan ng ama ng biktima ang isa sa mga suspek at dito nagsimulang pag-interesan ng mga suspek ang kanilang naging biktima.

“Nagkukuwento ‘yung tatay na may P3 million daw sa kuwarto, nakatago. ‘Yun ang pinag-interesan base doon sa conversation at chat ng dalawang suspek,” sabi ni Fonte.

Nagpasalamat naman si Serafica nitong Sabado gamit ang kanyang Facebook account para sa lahat ng mga nag-chat, nangamusta at nagdasal para sa kanilang buong pamilya.

Nakabalik naman na sa live selling noong araw ding 'yon.

"Life must go on. 'Di po ako pedeng mabuhay para sa nakalipas. Need ko pong mabuhay para ngayon at bukas. Kaya s inyo po ako huhugot ng lakas maliban sa buo Kong pamilya. Sana po samahan niyo ko na makabangon muli," banggit niya sa isang paskil.

Mahaharap sa mga kaukulang reklamo ang mga suspek. — intern Matthew Gabriel

HOLDUP

LAGUNA

ONLINE SELLING

STA. ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with