^

Probinsiya

Maharlika Partylist grand rally umarangkada sa Tarlac

Pilipino Star Ngayon
Maharlika Partylist grand rally umarangkada sa Tarlac
Itinaas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang kamay ni Alvin Sahagun na ikalawang nominado ng Maharlika Partylist para sa May 2025 elections.

TARLAC, Philippines — Libu-libong tagasuporta ang dumalo sa isinagawang grand campaign rally ng Maharlika Partylist na #155 sa balota sa May 2025 mid-term elections, ka­makalawa sa Tarlac City.

Sa kanilang pananalita, ibinida nina Rosalie Quizon Balcon at Alvin Sahagun, una at ikalawang nominado ng Mahar­lika Partylist ang kanilang mga plataporma.

“Narito tayo ngayon, hindi lang para makinig, kundi para magsama-sama sa isang adhikain—ang iangat ang bawat Pilipino. Alam natin ang katotohanan: Marami sa atin ang nangangarap ng mas maginhawang buhay, pero hirap kung saan magsisimula. Marami tayong mga katutubong kapatid na unti-unting nawawalan ng lupa, ng kultura, ng boses. At marami sa atin ang gustong magnegosyo pero nalulugi dahil walang gabay kung paano ito tamang gawin. Ito ang dahilan kung bakit nandito ang Maharlika Partylist! Hindi lang kami plataporma—kami ay isang kilusan para sa tunay na pagbabago,” pahayag ni Sahagun na president at chairman ng Maharlika Partylist.

Kabilang aniya sa pokus ng Maharlika Partylist ay una – ang “iangat ang bawat Pilipino”. Ikalawa ay upang protektahan ang mga Katutubo at Kulturang Pilipino at ikatlo ang pagtuturo ng “tamang pagnenegosyo” dahil hindi rin umano sapat ang sipag kung walang tamang kaalaman nito!

“Tuturuan natin ang bawat Pilipino kung paano kumita, paano palaguin ang kanilang negosyo, at paano maging matatag sa hamon ng buha,” dagdag nito.

Ang nasabing grand rally ay dinaluhan ng ilang senador kabilang sina reelectionists Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at  Sen. Ramon “Bong” Revilla, kasama ang maybahay niyang si Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla, habang nagbigay ng mensahe si Sen. Bong Go sa pamamagitan ng video sa malaking screen sa entablado at ang buong Team “MaYap” na pinangunahan ni incumbent Tarlac Gov. Susan Yap na tumatakbo bilang mayor ng siyudad.

ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with