Bangkay na nakagapos, itinapon sa Silang
CAVITE, Philippines — Isa na namang pinaniniwalaang salvage victim ang natagpuan sa ilalim ng puno sa gilid ng kalsada ng Narrahan Road, Brgy. Iba, Silang, Cavite kamakalawa.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang biktima na nakasuot ng brown na T-shirt, itim na jogging pants at may tatto sa kaliwang daliri na pangalang “Ben”.
Sa ulat ng pulisya, alas-9:20 ng umaga ng madiskubre ng ilang residente dito ang biktima na paluhod na nakasubsob sa lupa, nakagapos ang mga kamay sa likod nito at mga paa.
Ayon naman sa mga opisyal ng barangay, hindi umano tagaroon ang biktima at posibleng itinapon lamang ito sa kinatagpuang lugar.
- Latest