Makulit, binasag mukha sa kalye!
MULANAY, Quezon, Philippines — Basag ang mukha at namatay noon din ang isang makulit na mister matapos na makailang beses na ipaghahampas sa sementadong kalye ng nakainumang kapitbahay sa Barangay F. Nanadiego sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Miguel Hermita, 56-anyos, habang boluntaryong sumuko sa mga barangay officials ang suspek na si alyas “Angel”, 52.
Base sa imbestigasyon, kapwa dumalo at nakipag-inuman ang biktima at suspek sa birthday celebration ng kanilang kapitbahay.
Nang dakong alas-4:30 ng hapon ay naging makulit na umano ang biktima dahil sa kalasingan kaya’t ipinasya ng suspek na akayin siya pauwi sa kaniyang bahay.
Habang naglalakad, patuloy umano sa pangungulit ang biktima hanggang mainis ang suspek at makailang beses na inihampas ang mukha ng una sa sementadong kalye hanggang sa duguang bumagsak.
Bandang alas-7:00 na ng gabi nang matagpuan ng mga residente ang walang buhay na biktima.
- Latest