^

Probinsiya

LPG tank sumabog, misis sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang misis makaraang masabugan ng LPG tank sa loob ng kanyang tahanan sa Don Gregorio Heights Subdivision, Brgy Sampaloc 2, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga sunog sa mukha at katawan ang biktima na kinilala sa alyas “Olaleye”, residente ng Acacia St. ng nasabing subdivision.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi habang naghahanda na sa pagtulog ang biktima sa inuupahan nitong apartment nang biglang sumabog ang gamit nitong LPG tank sa kusina.

Sa lakas ng pagsa­bog, nayanig ang buong apartment at tumilapon ang biktima na agad na naitakbo sa UMC Hospital. Sa pagsisiyasat, luma­labas na depektibo ang hose line ng tangke na siyang dahilan ng pagsabog.

LPG TANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with