^

Probinsiya

‘Party-list system hindi dapat abusuhin’ – Ang Probinsyano Party-list

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
âParty-list system hindi dapat abusuhinâ â Ang Probinsyano Party-list
Rep. Alfred Delos Santos
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Number 50, Ang Probinsyano Party-list na hindi kailanman dapat abusuhin ang “party-list system” sa gitna ng komento ng Mala­kanyang na mara­ming mga party-list congressmen ang komunista o kontrolado kung hindi man sila mismo ang mga bilyonaryo.

Sa panayam sa One Balita Pilipinas at Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Number 50, Ang Probin­syano Party-List Rep. Alfred Delos Santos na dapat ay totoong kinakatawan ng mga partylist groups ang interes ng mga marginalized sectors.

“Hindi po dapat gami­ting entry point ng mga nagnanais makakuha ng puwesto sa Kongreso ang ating party-list system, at lalong hindi rin dapat ito gamitin ng mga taong umano’y sumusuporta sa mga komunista na naglalayong patalsikin ang gobyerno,” ayon kay Delos Santos.

Binigyang-diin ng mambabatas na mahala­ga ang papel na ginagampanan ng party-list groups sa political system ng bansa dahil sila ang boses ng mga nasa laylayan o ng mga sektor na hindi napapansin.

“Batid po namin ang ilang ulat na mayroong pagdududa sa ilang party-list groups ngunit sa parte po namin, masasabi kong isa kami sa pinaka-aktibong miyembro ng Kongreso na masigasig na nagsusulong ng mga programang magpapabuti sa kalagayan ng mga marginalized sectors na aming kinakatawan,” ayon kay Delos Santos.

Ang No. 50 Ang Probinsyano Party-list na nagsusulong ng patas na oportunidad para sa lahat ng probinsyano ay nangakong ipagpapatuloy ang pagbalangkas ng mga panukalang batas na naglalayong mabigyan ng edukasyon, trabaho, pagkain at kalusugan ang mga tao sa mga kanayunan.

“Ako po ay lumaki at nag-aral sa probinsya. Nakita ko mismo ang hindi pantay na oportunidad para sa mga probinsyano. Kaya alam ko po kung ano ang ipinaglalaban ko, alam ko kung anong mga batas ang dapat naming buuin upang maiangat ang buhay ng mga kapwa ko probinsyano,” dagdag pa ni Delos Santos.

Tinukoy na ehemplo ng mambabatas ang pagturo sa mga magsasaka ng paggamit ng teknolohiya upang maparami ang kanilang ani at makasabay sa kompetisyon.

ANG PROBINSYANO PARTY-LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with