^

Probinsiya

Ex-vice mayor, konsehal at tserman arestado sa tupada

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Arestado ang 14 na katao ka­bilang ang dating vice mayor, konsehal at barangay captain dito matapos maaktuhang nagsasagawa ng illegal na sabong o “tupada” sa bayan ng Alitagtag noong Miyerkules ng hapon. 

Kinilala ni Batangas Police Provincial Director P/Col. Rex Arvin Torres Malimban ang mga naares­tong sina Ex-Vice Mayor Manuel Gutierrez, Mu­nicipal Councilor Jerome Garcia, Barangay Captain Antonio Chavez at 11 na iba pa. 

Narekober mula sa mga suspek ang 12 manok na panabong, 36 tare at bet money na nagkakahalaga ng P29,560.00.

Sasampahan ang mga dinakip ng kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Cockfighting), Republic Act 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) at Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases at Health Event of Public Health Concern Act).

vuukle comment

ILLEGAL COCKFIGHTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with