^

Probinsiya

9 tiklo sa tone-toneladang steel bar

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Arestado ang siyam-katao na sinasabing nagnakaw ng tone-toneladang steel bar sa isinagawang entrapment operation kamakalawa sa Barangay Silang Crossing East sa Tagaytay City, Cavite. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Ruel Noga, 36; Maricar Avila, 35; Joselito Perez, 33, driver;  Jonathan Rint, 31; Lauro Pacia,  41, driver; Gregorio Maullon, 44; Romeo Burgos  43, dri­ver; Vincent Cayetano, 36, driver/mechanic; at si Ariel Mayorga, 50, driver/mecha­nic, mga nakatira sa Batangas City, Batangas. Pinagha­hanap naman ang isa pang suspek na si Raymund Benamer, warehouse man. Ang mga suspek ay inireklamo ng project manager ng isang kor­porasyon sa Calamba City, Laguna kaugnay sa delivery ng mga steel bar sa ginagawang subdivision. Inilatag ang entrapment ope­ration kaya nasakote ang mga suspek na lulan ng Hyundai van na may plakang RBF 739.

BARANGAY SILANG CROSSING EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with