^

Probinsiya

2 sundalo kinidnap ng NPA rebs

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo na nagbabantay sa banana plantation ng Sumifru ang kinidnap ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Roque, bayan ng New Corella, Davao del Norte kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga sundalo na sina Corporal Benjamin Samano at Pfc. Mark Alvin Ricarte na kapwa nakatalaga sa Army’s 60th Infantry Battalion na pinamumunuan  ni Lt. Col. Roberto Bunagan Jr.

Napag-alamang nagpanggap na manggagawa sa banana plantation ang mga rebelde sa pagpasok kaya nagawang kidnapin ang dalawang sundalo na nakabantay sa plantasyong nasa ilalim ng pamamahala ng Japanese company.

Kinomander ng mga rebelde ang Elf truck (PKB 360) ng kumpanya at tinangay ang dalawang sundalo patungo sa direksyon ng Barangay Napungas, bayan ng Asuncion.

Kaugnay nito, nagpakalat na ng tropa ng sundalo sa nasabing lugar upang ma-pressure ang mga rebelde na palayain ang dalawang bihag.

ASUNCION

BARANGAY NAPUNGAS

BARANGAY SAN ROQUE

CORPORAL BENJAMIN SAMANO

DALAWANG

INFANTRY BATTALION

MARK ALVIN RICARTE

NEW CORELLA

NEW PEOPLE

ROBERTO BUNAGAN JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with