Employee kinatay sa boarding house, coed grabe
Batangas, Philippines — Patay ang isang 20 anyos na emÂpleyado makaraang pagsaÂsaksakin ng hindi pa nakilalang salarin habang naÂdamay naman sa insidente ang isang estudyanteng dalaga nang masaksihan ang insidente sa loob ng inuupahan nilang apartment sa Lipa City, Batangas kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Carmela Par, dalaga, LIMA employee at taga Lemery.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Metro Lipa Medical Center ang biktimang si Cheriemay Villamin, 20, dalaga, estuyante ng Lyceum of the Philippines University-Lipa Campus.

Ayon kay PO3 June Gonzales, may hawak ng kaso dakong alas-3 ng madaling-araw nang magising si Villamin sa kalabugan at sigaw ni Par na nagmumula sa kaniyang comfort room sa kanilang apartment sa Purok 3, Brgy. Bugtongnapulo ng lungsod.
Laking gulat at napaÂsigaw naman ang biktima ng masaksihan ang salarin na armado ng matalas na patalim habang pinagsaÂsaksak si Par kaya ito naman ang napagbalingan at inundayan din ng sunud-sunod na saksak bago tumakas.
Sa kabila ng sugatan ay nagawang makahingi ng tulong ni Villamin sa kaniyang mga kapitbahay at nadala pa ang mga ito sa pagamutan pero hindi na naisalba si Par. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na.
- Latest