Bahay ng mayor grinanada
MANILA, Philippines - Niyanig ng pagsabog ng granada ang bahay ni Bugallon Mayor Rodrigo Orduna na sinasabing isiniwalat ang pagkakadawit sa jueteng ni Pangasinan Governor Amado Espino sa naganap na insidente sa bayan ng Bugallon, Pangasinan kahapon ng madaÂling araw.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Ryan Manongdo na nakarating sa Camp Crame, bandang ala-1:35 ng madaling-araw ng yanigin ng pagsabog ang compound ni Mayor Orduna sa Barangay Bugayong Street. Ayon kay Manongdo, wala namang nasugatan dahil nagkataon na wala si Mayor Orduna kung saan isang di-kilalang lalaki ang naghagis ng granada.
Magugunita na noong Disyembre 2012 ay humarap sa press briefing ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si Mayor Orduna sa Camp Crame kung saan isinabit nito sa illegal na operasyon ng jueteng si Espino.
Samantalang, tinugon naman ito ng kampo ng gobernador na paninira lamang umano na dulot ng labanan sa pulitika ang nasabing akusasyon.
- Latest