^

Probinsiya

NPA ambush: 3 pulis patay

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tatlong  pulis ang kumpirmadong napatay habang limang iba pa ang nasugatan sa naganap na pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Asipulo, Ifugao kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga napaslang ay sina P/Insp George Lauro, PO3 Jodie Mangue at si PO2 John Codod.

Sugatan naman sina PO2 Solomon Pao-iton, PO2 Marcial Anganga, PO2 Victor Pawong, PO2 Lydon Pulawan.

Napag-alamang nagpapatrolya ang puisya sa pangunguna ni P/Insp. Lauro nang tambangan ng mga rebelde pagsapit sa bahagi ng Sitio Nangkatengey, Barangay Namal sa nabanggit na bayan.

Samantala, pinaghahanap naman ang apat na iba pang miyembro ng pulisya na nakilalang sina Dawong, Tupayna, Pataueg at si Dulawan na sinasabing nawawala.

Habang sinusulat ang balitang ito ay tinutugis na ng puwersa ng pulisya at militar ang mga rebeldeng papatakas.

 

vuukle comment

BARANGAY NAMAL

INSP GEORGE LAURO

JODIE MANGUE

JOHN CODOD

LYDON PULAWAN

MARCIAL ANGANGA

NEW PEOPLE

SITIO NANGKATENGEY

SOLOMON PAO

VICTOR PAWONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with