^

Pang Movies

Carlos, may offer sa Vivamax

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carlos, may offer sa Vivamax
Carlos

Ang daming freebies na matatanggap ni Carlos Yulo bukod pa sa milyones na pera making him the youngest millio­naire sa Philippine sports. Isa sa magbibigay ng freebie ay ang Vivamax at lifetime access sa kanya ang offer. Nakakatuwa ang comment ng netizens at fans ni Carlos sa Facebook post ng Vivamax.

“Salamat, Caloy! We are very MAX proud of you! After mo sumabak sa laban, deserve mong mag-VIVAMAX AND RELAX!”

Ang isa sa nakakatawang comment, hindi raw makakapanood ng Vivamax mag-isa si Carlos dahil laging nasa tabi niya ang girlfriend niyang si Chloe San Jose. Mas mabuti raw na ibigay na lang niya sa friend niya na single ang free subscription na offer nito. May nagtanong pa kung tatangkad daw ba siya kapag nanood nang nanood ng Vivamax?

Anyway, balita pa rin sa pamilya Yulo, nagsalita na rin ang brother ni Carlos na si Eldrew Yulo  sa interview ng Bombo Radyo at nakiusap sa kanyang kuya na babaan ang pride at ayusin ang problema ng kanilang pamilya.

“Hindi naman namin pinipilit na bumalik. Pero if ever na maisipan mo, always free kami. Hindi kami lumalapit sayo kasi dahil nanalo ka. Gusto lang naman namin kayo maka-bond nang hindi namin sinasabi or hindi namin kailangan sabihin ipagsabi sa inyo na parang nanghihingi kaming lima. Like kuya pahingi naman ng atensyon mo. Parang ganon,” pahayag ni Eldrew.

Nakiusap din si Eldrew kay Carlos na babaan na lang ang pride at lapitan na ang kanilang ina.

“Babae kasi si mama kuya, eh. Alam mo naman kapag babae mataas talaga ang pride. Kailangan talaga natin mag-adjust. Ayon talaga gawain ng mga lalake. Like parang mag-adjust na lang. Babaan nalang natin ‘yung pride natin para tapos na ang gulo,” dagdag na pahayag ni Eldrew.

Zia, napuri sa ginawa sa lola

Hindi lang si Zia Dantes ang pinuri ng netizens nang makita ang larawan nito na tinutulungan ang great-grandmother niya na si Lola Iska (lola ni Marian Rivera) na isuot ang sapatos nito. Pati sina Marian at Dingdong Dantes ay pinuri rin dahil sa magandang pagpapalaki sa mga anak.

Sa picture, tila may lakad sina Zia at ang great-grandmother niya dahil nasa pintuan sila ng bahay ng mga Dantes.

Caption ni Marian sa photo, “Awww ate Z helping nanay” at sumunod na ang positive comments para kay Zia. Good job daw ito, nagmana siya sa parents niya at hindi lang siya maganda, maganda rin ang puso.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with