^

Pang Movies

Fans ni Daniel, nakaganti kay Kathryn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Fans ni Daniel, nakaganti kay Kathryn
Daniel Padilla

Almost one year na sa November 30, 2024 mula nung mag-break sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at mukhang naka-move on na ang ex-couple. Pero ang solid fans ng dalawa, tuloy pa rin ang bardagulan online at obvious na sila ang hindi pa nakapag-move on sa paghihiwalay ng kanilang idolo.

Konting bagay, pinagmumulan ng away ng dalawang kampo at pati projects at endorsement, pinagkukumpara. Nang hindi na i-renew ang kontrata ni Daniel sa endorsement nila ni Kathryn, malaking isyu ‘yun sa fans ni Kathryn. Ibig daw sabihin, mas pinili ng agency ang aktres over Daniel.

Pero tila nakaganti ang fans ni Daniel sa fans ni Kathryn dahil ‘yung endorsement ni Kathryn na flavor enhancer, ginawang freebies ng isang sanitary napkin. Hindi raw nakaka-superstar status ang nasabing promo. Kung anu-ano tuloy ang naisip na pangantyaw ng fans ni Daniel sa fans ni Kathryn.

Michelle, walang paki sa diet

Hindi lang sinamahan ni Kobe Paras si Kyline Alcantara sa New York and to be with her birthday nito dahil kabilang din si Kobe sa mga rumampa para sa fashion designer na si Chris Nick. May video na makikitang rumarampa si Kobe, kaya malabo ‘yung comment ng isang fan na vine-videohan ni Kobe si Kyline nung rumampa ang Kapuso aktres.

Sa mga comment, mas tanggap ng netizens ang pagrampa ni Kobe dahil sa height nito at impact sa runway. On the other hand, marami silang puna at kritisismo sa Shining Inheritance actress at kung anu-ano raw ang sinasabi nila laban dito.

Parang tama ang comment ng fan ni Kyline na ayaw nila sa aktres, kaya wala silang makitang maganda sa mga ginagawa at sinasabi nito.

Samantala, nakakatuwa si Michelle Dee dahil kahit sa New York, bumili pa rin ng Jollibee. Pinost nito ang pagpunta niya sa isang Jollibee branch at hawak ang malaking plastic bag na may laman ng kanyang order.

Sabi nito, “Midnight cravings from home” at nag-mukbang daw siya masaya siya sa kanyang purchase.

Naiinggit ang mga nagda-diet kay Michelle dahil kahit ilang Chicken Joy at burger ang kainin nito, hindi pa rin siya tataba. In fairness, hindi pa nga namin nakitang tumaba si Michelle dahil din sa pagwu-workout.

Anyway, may mga nakita kaming photos ni Michelle na pinag­kaguluhan ng fotogs sa New York Fashion Week at rumampa rin siya, sila nina Kobe Paras at Kyline Alcantara. Dahil hawak na ng One Management si Michelle, tiyak na masusundan pa ang pagrampa niya sa mga fashion week.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with