^

Pang Movies

Totoo bang nagtatago na sa ibang bansa? Ken, hinahanap ng mga business partner?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Totoo bang nagtatago na sa ibang bansa? Ken, hinahanap ng mga business partner?!
Ken Chan

Parang hindi naman kami makapaniwala sa tsikang kaya umalis patungong ibang bansa si Ken Chan ay para makaiwas umano sa pagkakaaresto.

Sa latest episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ay isa ito sa napag-usapan ng mga hosts na sina Ogie Diaz at Mama Loi.

Ayon kay Mama Ogs, marami raw ang nagtatanong kung si Ken ang tinutukoy sa lumabas na blind item tungkol sa isang aktor na natigok sa serye at lumipad daw patungong ibang bansa para takasan ang kaso.

May mga humuhulang si Ken ito dahil nga biglang pinatay ang karakter ng aktor sa Kapuso afternoon series na Abot Kamay na Pangarap.

Ayon kay Ogie, dati na raw may nagdemanda kay Ken na diumano’y kasosyo sa negosyong restaurant. Hindi raw kasi naging maganda ang turn-out ng nasabing business.

Tsika pang nakarating kay Ogie, binabawi raw ng kasosyo ni Ken ang share nito sa itinayong restaurant na hindi raw nagawa ng aktor dahil nga pareho naman daw silang nalugi.  “Pero hindi namin alam kung ‘yun nga ‘yun, ha?’ Kasi ‘yun lang ang nakarating sa amin. ‘yung  tungkol sa restawran,” sey ni Ogie.

Ayon pa sa kanyang source, hanggang ngayon ay hindi pa raw tapos ang kaso.

Sey pa ni Ogie, tinatawagan niya si Ken para kunin ang panig nito pero hindi raw ito sumasagot.

Pero sinabi rin naman ng content creator na hindi pa naman confirmed kung talagang nagtatago si Ken kaya nagtungo sa ibang bansa at baka naman daw talagang nagbakasyon lang ang aktor.

Sana ay malinaw ni Ken ang isyung ito dahil hindi rin ito magandang record for him bilang businessman.

Sharon at Kiko, dinaig ang bagong kasal

Ang sweet ng palitan ng mensahe ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa Instagram.

In her post, sinabi ni Megastar na mas in-love pa raw siya ngayon sa kanyang asawa kaysa noon.

“I would grow up to marry this boy! We went through a whole lot of trials in our marriage…but the Lord is truly good and faithful! I have never been more in love with my husband/playmate/best buddy/“neybor” than I am now!” ani Sharon.

Sey pa niya, “we rediscovered our great love for each other and are happier for it! We are proud of the little family we have made, and I truly look forward to spending the rest of my years with this super good, God-fearing and devoted-to-me family man.”

Pagmamalaki pa ni Mega, “Never met a more decent human being. And I feel blessed that God gave him to me… I love you, my Sutart. I’d be totally lost without you! 28 years and counting!!!”

Sa comment section ay sumumpa rin si Kiko ng pagmamahal niya for Mega at nangakong hindi sila maghihiwalay.

“Thank you sweetheart! I love you too and truly conquers all.

‘We love our bread, we love our butter, but most of all we love each other’ And I promise you, I ‘ll never say goodbye?,” ang sweet na mensahe ng mister ni Shawie.

Sa totoo lang, daig pa nila ang mga bagong kasal sa ka-sweet-an huh!

 

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with