^

Pang Movies

Anak nina Manny at Jinkee, iniwan na sa London

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang bongga ni Princess Pacquiao, sa London mag-aaral ng college at pagbalik nito ng bansa, may British accent na. Sa reels na pinost ni Jinkee Pacquaio, makikita sina Princess at kapatid na si Queenie na mahigpit na nagyakapan.

Sa caption ni Jinkee, nabanggit na first time magkakahiwalay ang dalawang anak na laging magkasama. Nag-iyakan sila dahil magkakahiwalay nang matagal. Pati raw siya naiyak.

Sa reels pa rin, makikitang inihatid nina Manny at isa niyang anak na lalake sa London si Princess dahil siya ang kumukuha ng video.

Hindi nabanggit kung saang university sa London naka-enroll si Princess, basta maghanda sina Manny, Jinkee at mga kapatid ni Princess dahil pagbalik niya from London, may British accent na siya.

Sharon, itutuloy na ang libro

Mukhang itutuloy na ni Sharon Cuneta ang matagal ng balak na sumulat ng kanyang libro dahil sa sinabing, “I think I am ready. To start writing my book. Just need to collect my thoughts, and slowly, but surely, begin. Pleaswe pray for me kasi am so busy taping pa!”

Pinu-push ni Sharon na ituloy ang kanyang plano sa comment ni Ryan Agoncillo na “You got this,” ni Jackielou Blanco na “Go Mama!!!” at ni Martin Nievera na “You got this shweetert.”

Pati fans ni Sharon, excited na sa isusulat niyang libro at sana raw, matagal na nila itong hinihintay at finally, matutuloy na.

Siguro naman kasama sa libro na isusulat ni Sharon ang tungkol sa kanyang love life at dito mas excited ang mga fans. Masarap daw basahin ang chapter na ‘yun kapag nagkataon.

Samantala, ang mga fans sa ibang bansa nina Sharon at Gabby Concepcion naman ang nang-iinggit sa ShaGab fans sa Pilipinas. Dahil sa US at Canada ang  Dear Heart concert ng dalawa sa October at November 2024.

Wala nang mga tsika na mapapaniwala ang mga fans na magkakabalikan ang dalawa

Heart, sa Hermes plate kumakain ng monggo

Comment ng netizens, kumakain daw pala ng monggo na may kasamang chicharon si Heart Evangelista. Ito ay pagkatapos nilang makita sa IG Stories ni Heart ang nasabing dish. Hindi raw pala puro meat at caviar ang kinakain ng misis ni Senate President Chiz Escudero.

May nag-comment lang kung Friday ba kumain ng monggo with chicharon si Heart? Naging ugali na kasi nating mga Pilipino na tuwing Friday, ang nasabing gulay ang inihahain.

Bukod sa monggo with chicharon, ang ikinamangha ng mga netizens ay ang plato na nilagyan ni Heart ng gulay. Nakalagay kasi sa Hermes plate.

Sabi naman ng isa pang netizen, “ang sarap nung pinggan.”

Anyway, sa mga latest post ni Heart, nasa Paris, France na siya para sa Paris Fashion Week. Pero, mauuna ang Milan Fashion sa Italy na for sure, a-attend din si Heart. Sabagay, madali lang mag-travel, kaya bubusugin tayo ng mga post ni Heart sa Milan Fashion Week at Paris Fashion Week.

vuukle comment

JINKEE

MANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with