Kokoy, waging ultimate runner
Si Kokoy De Santos ang tinanghal na Ultimate Runner ng Running Man Philippines season 2.
Nag-trend sa social media si Kokoy nang manalo laban sa mahigpit niyang kalaban na si Buboy Villar.
“Sobrang iba rin pala sa feeling kasi first-time ko manalo. EVER! Na solo, since season one first ever. Gusto ko lang sabihin siyempre sobrang thank you sa inyo lahat ng mga Runners,” sey ni Kokoy.
Isang buwan na nag-shoot sa South Korea ang buong cast ng Running Man PH. Mas naging mahirap ang challenges sa kanila dahil sa tindi ng lamig sa naturang bansa.
Last season, si Angel Guardian ang nanalong Ultimate Runner.
Sofia, pinaghandaan si Emily
Ang bongga lang ng Sparkle teen star na si Sofia Pablo dahil invited siya ng Netflix para sa second part premiere ng Emily in Paris sa Rome, Italy.
Lumipad for Rome nitong weekend si Sofia at excited sa kanyang pagrampa sa Europe.
Hinatid si Sofia ng kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay sa airport. Kasamang mag-travel ni Sofia ay ang kanyang amang si Christopher Pablo.
Proud nga si Sofia na i-represent ang Pilipinas sa event: “Ang pinaghandaan ko po talaga is ‘yung outfit for the red carpet. I’m gonna be wearing AJ Javier, since of course, I wanted to make sure na maganda talaga ‘yung outfit.”
Pagbalik ni Sofia sa Pilipinas, balik-taping siya para sa upcoming teleserye na Prinsesa ng City Jail.
Pinoy singers na binaha, pinuri ni Simon Cowell
Pinuri ni Simon Cowell ang pamilya ng Filipino singers na L6 na sumali sa America’s Got Talent.
Bumilib si Cowell sa pagiging matatag ng L6 sa gitna ng mga nangyari sa kabuhayan nila sa Pilipinas na sinira ng matinding baha.
“I watched that film and I’m like: my God, you think we’ve got problems and you see something like that and they got through that and they’ve flown over. It’s a big deal,” sey ni Cowell.
The show must go on para sa L6 kahit na sa gitna ng rehearsals nila ay natanggap nila ang masamang balita.
“When we were rehearsing, we received calls from family members in the Philippines informing us that our house was already flooded. We were distracted during rehearsals. We also have dogs back home. That’s why we were thankful when we found out that they were okay - and also that our performance went well,” sey ng L6 na binubuo ng limang magkakapatid at limang pamangkin.
Taga-Bacolod ang L6 na Luntayao ang family name. Mga beterano na raw sila sa pagsali ng singing contests. Sa YouTube sila napanood at naimbitahang mag-audition sa 19th season ng AGT last March.
Umabot sila sa quarterfinals ng naturang competition.
- Latest