Joey, blank check ang regalo kay Jose!
Kumpleto ang Tito, Vic and Joey at iba pang Eat Bulaga mainstays sa naganap na kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan sa isang five star hotel sa Boracay last Tuesday, Dec. 17!
Naglabasan sa social media ang ilang pictures at videos ng kasal.
Sa beach front ang wedding at sa swimming pool near the beach ang reception. Pero inulan ang reception kaya inilipat ito sa isang ballroom ng hotel.
Sabi ng source namin, nang dumating si Joey de Leon at nakita si Jose, tinanong si Jose kung Jose Manalo ang ilalagay na name sa check. “Ariel” ang sabi ni Jose at biro ni Joey, “Blank check ‘yun!”
May dalawa nang anak sina Jose at Mergene na pawang babae. Ampon nila ‘yung binatang lalaki na anak ng isang malapit kay Mergene.
Pero may blind item kaming natisod sa kasalan.
Kasi nga, umiral ang kasupladahan ng isang female personality na todo irap sa isang guest sa kasal habang naglalakad sa aisle patungong altar!
Nagtama ang mata ng male guest na sikat at female personality na naging bahagi ng career ng sikat na aktor!
Maraming nakakita sa nangyari at halos lumubog ang aktor sa pag-irap at simangot sa kanya ni female personality!
Despite that minor incident, naging maayos at masaya ang kasal sa Boracay nina Jose at Mergene!
Best wishes!
- Latest