^

PSN Opinyon

Manchurian candidates pakikilusin sa 2027

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Itinuturing nang maraming mambabatas na Manchurian candidate si Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Taksil at sumisira sa sariling bansa ang Manchurian can­didate dahil kontrolado o impluwensiyado ng dayuhang gobyerno.

Chinese citizen si Guo na nagpanggap na Pilipino, anang NBI batay sa dokumento ng Philippine Statistics Authority. Biglang sulpot siya sa politika nu’ng 2022. Ikinandidato ni dating mayor Jose Feliciano; tinalo ang pinakasikat na barangay chairman. Marami siyang pera. Halagang P62 bilyong mga gusali sa POGO hub sa gilid ng munisipyo.

Hindi mapaliwanag ni Guo ang kabataan niya. Kesyo raw lumaki siya sa babuyan ng ama. Private tutor umano ang isang “Teacher Rubilyn”. Pero may mga kaklase sa Grace Christian elementary school na kilala siya sa TV nu’ng iniimbestiga ng Kongreso.

Kesyo raw anak siya sa labas ng isang Pilipina. Pero hindi mahanap ang taong ‘yon. At anang mga trabahador sa pabrika ng tela sa Valenzuela, Chinese ang tinatawag ni Guo na ina.

PNA photo

Kapwa espiyang Chinese raw siya ng isang bilanggo sa Thailand, anang kaselda nito. At mga Chinese sa Singapore ang mga kapitalista ng POGO ni Guo.

Binisto sa House quadcomm ang isang mayor sa Pam­panga. Nakipag-sister city ito sa China, habang ang kapatid niya ay ilegal na nagbenta ng libu-libong ektarya ng lupa sa Chinese nationals.

Mag-ingat sa Manchurian Candidates. Malapit na silang mobilisahin ng China Communist Party. Deadline ni Xi Jinping agawin sa 2017 ang independyenteng Taiwan bilang pro­binsya ng China.

Pahahadlangan sa Manchurian Candidates ang anumang tulong ng Pilipinas sa karatig bansa. At lalong yuyu­rakan ng CCP ang mga mangingisdang Pilipino sa Ba­tanes, West Philippine Sea, at Benham Rise.

ALICE GUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->