^

PSN Opinyon

Artist sa Denmark, binatikos matapos gutumin ang 3 biik para sa kanyang art installation!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

ISANG kontrobersiyal na exhibit ang umani nang matinding batikos matapos nitong subukang patayin sa gutom ang tatlong biik sa loob ng isang lumang slaughterhouse sa Denmark.

Ang Chilean-born artist na si Marco Evaristti ang nasa likod ng art installation na pinamagatang “And Now You Care?” kung saan inilagay niya ang tatlong biik sa isang kulungan na yari sa metal na shopping cart, pinalibutan ng mga painting ng kinatay na baboy, at Danish flag.

Pero ang talagang nagpagalit sa publiko ay ang plano niyang hindi pakainin ang mga biik at hayaan silang mamatay sa uhaw at gutom.

Ayon kay Evaristti, layunin ng kanyang sining na gisingin ang lipunan sa malupit na kondisyon ng mga baboy sa Denmark, na isa sa pinakamalalaking pork exporters sa mundo.

Libu-libong baboy ­umano ang namamatay taun-taon dahil sa kapa­bayaan sa mga pig farms doon kaya nais niyang ipakita kung paano binabalewala ang paghihirap ng mga hayop.

Nagbukas ang exhibit noong Biyernes, at tina­tayang aabutin ng limang araw bago tuluyang mamatay ang mga biik.

Bukod sa gugutumin niya ang mga biik, ipinagmamalaki ni Evaristti na siya mismo ay sasailalim sa isang hunger strike bilang pagpapakita ng “pakikiisa” sa mga hayop.

Ngunit hindi natuloy ang kanyang plano nang biglang maglaho ang tatlong biik noong Sabado.

Ayon sa ulat, dumating umano ang ilang miyembro ng isang animal rights group para tingnan ang mga hayop. Sinamantala nila ang pagkakataon habang wala ang janitor ng exhibit at tuluyang tinangay ang mga biik.

Bagama’t ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente, wala pang opisyal na kaso ng pagnanakaw na isinampa. Wala ring inaasahang pagbabalik ng mga biik, ayon kay Evaristti.

Dahil dito, tuluyan nang isinara ang eksibit noong Martes dahil umano sa pagiging “walang kuwenta” nito nang wala ang mga biik. Pero imbes na lumamig ang isyu, lalo pang tinuligsa ng publiko si Evaristti.

Kahit pabor ang ilang animal rights groups sa mensaheng nais iparating ni Evaristti, hindi nila matanggap ang pamamaraan nito. May isang aktibistang tinawag siyang “baluktot na artist,” na sinagot naman niya ng bantang pagsasampa ng kaso.

“We understand Marco Evaristti’s intentions with his exhibition, but it is not acceptable to protest one form of animal cruelty by committing another,” pahayag ni Gitte Buchhave, direktor ng World Animal Protection sa Denmark.

ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with