^

PSN Opinyon

Ninakaw na credit card, ginamit sa pagbili ng winning lotto ticket; may-ari ng card gustong makihati sa jackpot!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI inaasahan ng isang lalaki sa France na ang pagkakawala ng kanyang credit card ay magbibigay-daan sa isang jackpot na kalahating mil­­yong euro!

Si Jean-David E., residente ng Toulouse, ay nanawagan sa dalawang lalaking nagnakaw at gumamit ng kanyang credit card sa pagbili ng scratch card na kalauna’y nanalo ng €500,000 (P30 milyon).

Sa halip na maghabla, nais niyang makipagkasundo at makihati sa jackpot.

Ayon kay Jean-David, nadiskubre niyang nawawala ang kanyang bag noong nakaraang Pebrero 3 matapos manakaw mula sa kanyang kotse.

Matapos niyang ipa-block ang kanyang card, nalaman niyang ginamit ito sa isang tindahan sa halagang €52.50 (P3,100).

Sa pagbisita niya sa tindahan, napag-alaman niyang dalawang lalaking mukhang palaboy ang bumili ng sigarilyo at ilang scratch cards gamit ang kanyang card.

Hindi nagtagal, isa sa mga scratch card ang nanalo ng jackpot. Sa sobrang tuwa, naiwan pa raw ng mga ito ang kanilang mga gamit at sigarilyo.

Subalit, hindi pa naki-claim ang premyo dahil naalerto na ang operator ng French lottery, ang Française des Jeux (FDJ). Kung sakaling lumutang ang mga nanalo, malaki ang posibilidad na sila’y arestuhin.

Ngunit may kakaibang alok si Jean-David, handa siyang iatras ang reklamo at makipaghati sa premyo basta’t lumapit sa kanya ang dalawang lalaki.

“Kung wala ako, hindi sila mananalo. Pero kung wala sila, hindi rin ako bibili ng ticket. Kaya bakit hindi na lang natin paghatian?” saad niya sa isang panayam.

Ayon sa kanyang abogado, maaaring kumpiskahin ng gobyerno ang jackpot kung hindi maaayos ang sitwasyon. Kaya naman, isang pambansang panawagan ang inilunsad upang maabot ang dalawang “suwerteng magnanakaw”.

“May pagkakataon kayong baguhin ang inyong buhay. Huwag n’yong sayangin,” dagdag ng abogado.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nagpaparamdam ang da­lawang magnanakaw kay Jean-David.

LOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->