^

PSN Opinyon

Mga dahilan kung bakit numinipis ang buhok

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

TINATAYANG 100,000 hanggang 150,000 buhok ang nasa anit. Ang 10-20 percent nito ay puwedeng malagas, kaya 50-100 buhok ang nalalagas araw-araw.

Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nalalagas ang buhok ay ang pagbabago ng hormones. Ang receding hairline ay maaaring unti-unti o mabilis. Mayroon ding male pattern ng pagnipis ng buhok dahil nasa lahi o namamana.

Mayroon ding female pattern ng pagnipis ng buhok kung saan numinipis lang ang buhok pero hindi umuurong. Dahil sa pabagu-bago ng hormones kaya nalalagas ang buhok tat­long buwan pagkapanganak.

Ang iba pang sanhi ay menopause, pagtigil ng birth control pills sa loob ng isa hanggang tatlong buwan, pag-edad, mga stress tulad ng namatayan, naaksidente, problema, pagod at sakit tulad ng sa thyroid.

Ang iba pang dahilan ay kakulangan sa nutrisyon, kulang sa protina, laging gutom o nagdidiyeta.

Para malaman kung hindi normal ang hairfall ay kumuha ng magnifying glass at tingnan ang mga buhok. Pag nabali o hair shaft breakage ang dahilan, mayroon puwedeng gawin tulad ng pagiging gentle o maingat sa buhok, bawasan ang sobrang pag-brush, pag-shampoo o pagtali.

Huwag ipamasahe ang anit dahil baka mabali ang buhok. Wala munang kemikal tulad ng hair dyes, bleaching, pang­kulot o pang-unat. Puwedeng gumamit ng mga protein con­ditioners at cream rinse.

Pangalagaan ang hair roots sa pamamagitan ng pag-iwas sa braid at mahigpit na ponytail. Iwas din sa maiinit na rollers.

Kapag patse-patse ang pagkakalbo, dahil ‘yan sa sakit sa balat o fungal infection tulad ng ringworm. Ang ringworm ay fungal infection, korteng bilog ang pagkalagas ng buhok, mapula ang balat, nagbabalat, at makati. Ma­dalas ito sa mga bata, galing sa alagang aso, pusa o kalaro. Kumunsulta sa dermatologist para bigyan ng anti-fungal cream tulad ng ketoconazole.

Mayroon ding Trichotillomania (hair pulling disorder) kung saan naging ugali na laging hinihila o binubunot ang buhok.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with