^

PSN Opinyon

Stress, nerbiyos, ulcer at heart lessons

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Nerbiyos o hyperventilation syndrome—Mara­ming babae ang inaatake ng nerbiyos. Sila’y nakararamdam ng hirap sa paghinga, pamamanhid ng kamay, paa at labi. Minsan ay nahihilo sila, at lumalakas ang pintig ng puso.

Kung kayo ay nakararanas nito, huwag matakot dahil nerbiyos lang iyan. Gawin ang mga sumusunod:

- Umupo sa tabi.

- Huminga nang mabagal at malalim.

- Uminom ng tubig.

- Kumain ng isang saging, pampa-relax.

- Magdasal at tutulungan ka ng Diyos.

2. Ulcer at pangangasim ng sikmura—Huwag magpakagutom. Kumain nang madalas sa isang araw pero kaunti lang. Small, frequent meals.

Ang pag-inom ng tubig ng pakunti-konti sa buong araw ay maka­babawas ng asido sa sikmura. Magbaon ng sa­ging o tinapay para hindi sumakit ang tiyan. Umiwas sa pagkaing nakaka-ulcer tulad ng sili, orange, pineapple, calamansi, lemon, suka at mga sitsirya.

* * *

Heart lessons at tips

1. Kapag mabilis ang tibok ng iyong puso—Posible na ikaw ay “in-love” kaya nag-pa-palpitasyon. Puwede din dahil sa pag-inom ng kape o slimming pills. Puwedeng may sakit sa puso. Magpasuri para malaman kung “In-Love” ka lamang.

2. Kapag sumasakit ang dibdib—Magpasuri para masiguro na wala kang sakit sa puso. Nalulungkot ka ba at may sama ng loob. Nanggaling ka ba sa pag-iyak kaya naninikip ang dibdib. Magdasal para mabawasan ang stress sa buhay.

3. Tips para alagaan ang puso—Kumain ng sapat na gulay at prutas. Mag-ehersisyo ng regular. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Magbawas sa stress. At magmahal ng tapat. Ang pagiging “in-love” ay nagpapalakas sa ating puso.

4. Ang normal na pagtibok ng puso ay 60-90 bawat minute—Bumibilis ang tibok kapag tayo ay kinakabahan, nagagalit o “in-love”. Kapag nakita mo ang iyong mahal sa buhay, puwedeng bumilis ang tibok ng puso. Subukang mag-deep breathing. Huminga ng malalim at mabagal para ma-relax at bumagal ang tibok ng puso.

5. Pagod na ba ang iyong puso—Ang “heart failure” ay isang sakit kung saan humihina ang tibok ng puso. May pagmamanas at pagod ang sintomas nito. Mag-relax, huwag magalit o maging emosyonal. Bawasan ang alat ng pagkain. Kumunsulta sa doktor para magamot ang heart failure.

6. Pumili ng makakasama—Ang isa sa pinakamahalagang desisyon mo ay ang pagpili ng makakasama sa buhay. Pumili ng taong tapat at mabait sa iyo. Gamitin ang iyong isipan at puso rin.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with