^

PSN Opinyon

Pagawaan ng pekeng sigarilyo, ni-raid ng NBI at BIR!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

FLASH Report: Nagpalabas ng advisory si Inspector General Brigido Dulay, ng Internal Affairs Service ng PNP, para ituwid ang kumakalat na fake news sa Camp Crame. “IG Dulay would like us to remind all IAS personnel not to believe anyone who presents themselves as people who are well-connected to him and who may be able to broker good positions and concessions.” Sinabi din ni Dulay na hindi n’ya kilala ang pinalitan niyang si ex-IG Atty. Alfegar Triambulo. Araguyyyyy! Sori na lang Boss David.

• • • • • •

Tatlong gawaan o taguan ng pekeng sigarilyo ang na-raid ng National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue sa Southern Tagalog mula Nobyembre at nakum­piska ang P200 milyon halaga ng epektos at P100 milyon na makina. Patunay lamang ito na hindi lang mga pulis, kundi maging ang NBI at BIR ay kumikilos na para wakasan ang raket na ito na dinadaya ang gobyerno ni President Bongbong Marcos ng aabot sa P60 bilyon na buwis kada taon.

Sinabi ng mga kosa ko na stop operations naman ang na-raid na warehouse at pagawaan ng pekeng sigarilyo. Kaya lang, hanggang sa ngayon, hindi pa kinakasuhan ng NBI at BIR ang mga Chinese na may-ari nitong na-raid na establisimiyento. Susmaryosep! Magkano…este paano? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nakumpiska ng NBI Intellectual Property Rights Division at BIR Cavite, Batangas at Mindoro sa Indang raid ang 119 cartons na Chesterfield, 576 Two Moon, troy 214 at Cannon 1,300. Kasama na dito ang dalawang cigarette makers at 2 cigarette packers. Sa Dasma warehouse naman ang nakumpiska ay 154 cartons ng  Jackpot, 146 Chester white, 510 Carnival red, HP red 876, Troy Menthol 332, HP black 14, Cannon Menthol 153, Victor Agila 104, New Orleans black 117, HP Gold 224, Two Moon Menthol 266, Marvel menthol 56, Carnival menthol 171, Fort white menthol 80 at Mighty green 20. Eh di wow! Kung naikalat ang mga pekeng sigarilyo na ito sa kalye, abayyy malaking dagok ito sa mga legal na tobacco manufacturers, di ba mga kosa?

Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Imbes na matuwa ang legal na cigarette manufacturers dahil kumikilos ang NBI at BIR para mabawasan ang pagkalat ng pekeng sigarilyo sa kalye, abayyyyy napalitan ito ng agam-agam dahil sa kawalan ng isinampang kaso. Hindi lang pala sa southern backdoor dumadaan itong peke sigarilyo, kundi maging dito sa Luzon ay may gumagawa na nito. Ang sakit sa bangs nito. Kahit hindi pa nag-file ng kaso, palakpakan pa rin natin ang NBI at BIR CABAMIRO sa aksiyon nila laban sa pekeng sigarilyo. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Samantala, naaresto naman ng pulisya sa Sto. Tomas Batangas si Ana Rose de Villa, na nagbebenta ng pekeng sigarilyo. Si de Villa, ng Sitio Paraiso, Purok 1, San Diego, San Pablo City, Laguna ay nagbenta ng Mighty at Camel cigarettes sa storeowner subalit tinanggihan ito. Sinundan ng tobacco agents na sina Venus Morena at Jeff Villanueva, at pinahuli siya sa Sto. Tomas police. Umamin naman si de Villa na peke ang ibinebenta n’ya sigarilyo subalit ayaw n’ya ibulgar ang source nito. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with